262 - Sa Kabanalan ng Banal na Araw

Sa kabanalan ng banal na araw;
Sa kagandahan ng sanlibutan
Ang pasalamat at mga papuri
Galing sa Iyong mga nilalang.

Kahit ang taong Iyo ring nilikha;
Ay nalimutan ang Iyong mukha,
Ngunit ang nalabi ay nanatili
Sa pagsunod sa Iyong pagpili.

Panginoon ng lahat ng nilalang
Payapain ang naguguluhan
Mangusap ka sa aming nga puso
Nang mapayapa ang aming diwa.

Kalakasan at kababaang loob
Ang mabanaag sa aming puso
Ng makapasok sa pintuang banal
At umawit ng kalwalhatian.

0:00 0:00